IV-8
Ilang oras
nalang, magsisimula na ang laban. Paano na ito, hindi pa ako naliligo at
malakas pa ang ulan, sinabayan pa ata ng bagyong Pedring. Sinasabihan na akong
huwag tumuloy, ngunit hindi ito maari dahil huling laro na ito. Dali- dali
akong umalis suot-suot ang asul na baro upang bigyan suporta ang aking pangarap
na unibersidad.
Tatlong
beses nang nagantimpalaan ang Ateneo De Manila University ng unang ranko sa
UAAP basketball ng sunod-sunod,
simula 2008-2010. Sapagkat bihira lamang ito mangyari sa kasaysayan ng kumpetisyong
ito. At ngayon naman, inaasam nilang
panalunin ang season na ito, upang
mabigyan rin ng titulong “4-peat champions”
Sa katunayan, maganda ang naging
laro ng mga blue eagles sa panahong
ito. Halos napatambak nila lahat ng mga kalaban nila, liban sa isa, ang Adamson
University. Pero kahit na ito’y nangyari, pinagsikapan pa rin nilang manalo.
Kasama nila na pasok sa big 4 ay ang FEU tamaraws , ADAMSON blue falcons, at UST
growling tigers.
Nagsimula nung Sityembre 6, 2011 ang
unang laro para sa big 4. Ang Ateneo blue ay may lamang na twice to beat. Pagkatapos ng ilang laro, ang FEU tamaraws ang napagdesisyonang
makakalaban nila sa finals.
Para sa unang laro, ang FEU Tamaraws ay nagkaroon ng magandang
simula at kumita ng higit 5 puntos kaysa sa Ateneo
Blue Eagles sa dulo ng unang kaapat, 19-14; ngunit ang Blue Eagles ay
matulin na lumipad, dinaig ang mga Tamaraws at natapos ang unang kalahati ng
laro na may parehong puntos, 33-33. Hindi na muling
makabawi ang FEU tamaraws noong ikatlo at ikaapat na bahagi at natapos ang laro na may 18 puntos na lamang ang blue eagles sa kanila;
Nanalo ang ADMU, 75-55.
Ang pangalawang laro ay nakatakda sa Sityembre 27, 2011, ngunit hindi ito natuloy dahil sa masamang lagay ng panahon. Kaya naman inilipat ang petsa sa Oktubre 1. Ito na ang magiging huling laban ng UAAP Season 74 kung ipapanalo ito ng blue eagles, sila na ang kampeon—4peat champions; kapag hindi at natalo sila ng tamaraws, may isa pang laban para sa championship. Maraming nagsasabi na makukuha ng Ateneo blue eagles ang titulong 4-peat champions. Ngunit sa dahilang pagkansela sa laro ng 4 na araw, naisip rin ng karamihan na ginamit nila itong pagkakataon upang ipagbutihin ang insayo.
Ang pangalawang laro ay nakatakda sa Sityembre 27, 2011, ngunit hindi ito natuloy dahil sa masamang lagay ng panahon. Kaya naman inilipat ang petsa sa Oktubre 1. Ito na ang magiging huling laban ng UAAP Season 74 kung ipapanalo ito ng blue eagles, sila na ang kampeon—4peat champions; kapag hindi at natalo sila ng tamaraws, may isa pang laban para sa championship. Maraming nagsasabi na makukuha ng Ateneo blue eagles ang titulong 4-peat champions. Ngunit sa dahilang pagkansela sa laro ng 4 na araw, naisip rin ng karamihan na ginamit nila itong pagkakataon upang ipagbutihin ang insayo.
Ito
na, buti nalang at hindi kami nahuli, napakalakas kasi ng ulan at traffic pa. Punong-puno ang Araneta
Coliseum, halos lahat ay naka-asul, ¼ lamang ang nakadilaw. Papasok na ang mga
manlalaro, ilang minuto nalang magsisimula na ang laban.
Nagpakita
ng galanteng tayo sa laro ang FEU tamaraws
laban sa ADMU blue eagles. Noong
unang kaapat, nalamangan ng limang puntos ng blue eagles ang tamaraws
, pero dali-dali silang bumawi pagdating ng ikalawang bahagi, 35-36. Ngunit
nahirapan na silang mapanatili ang lapit ng puntos. Kaya naman, natapos ang
laro na may 84-69 na puntos, pabor sa blue
eagles.
Nanalo
ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa ikalawang laro ng 2011 UAAP
Season 74 Men’s basketball finals
laban sa Far Eastern University Tamaraw, 82-69, upang makumpleto ang apat na sunod-sunod na UAAP
titulo na bihira lamang mangyari sa kasaysayan ng basketbol. Ito rin ang unang
beses na manalo ang isang unibersidad na naghost
ng kumpetisyong ito.
Sa
wakas, tapos na rin ang laro. Masaya ako dahil nanalo ang gusto kong kolehiyo,
ngunit malungkot para sa FEU dahil natambakan sila. Nalungkot rin ako dahil
huling laro na iyon nila Monfort at Long sapagkat magtatapos na sila, pero
kahit na ba, masaya pa rin ako dahil nagtagumpay sila. Kitang-kita na nagkaroon
sila ng teamwork. Pinaghirapan talaga
nilang manalo at ginawa nila ang makakaya nila.
Sa katunayan, magandang pakiramdam ang makasaksi ng pagkakataong bihira lamang mangyari. At dito, napatunayan ng Ateneo blue eagles na hindi imposibleng mangarap; hindi sila nabigo makamit ang minimithing- 4-peat champions. Malay natin na sa susunod na taon, ang 5-peat naman ang maabot nila
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento