Lunes, Oktubre 3, 2011

RH bill ng aking henerasyon

Noong eleksyong 2010 isa sa mga kumandidaton sa pagka presidente ay si Noynoy Aquino. Isa sa kanyang mga proyekto pag siya ay nahalal na presidente ay ang 'Reproductive Health Bill' (RH bill). Tunay sa kanyang salita, nang nahalal na sa pagkapresidente si Noynoy ay isinama niya sa kanyang mga proyecto ang RH bill.


"Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak at angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo at abot-kaya."






Dahil sa lumalaking isyu ng RH bill may mga ibang tao na kinukwestiyon ang pagiging presidente ni Noynoy Aquino. Pinahahalagahan ng Estado ang dangal ng bawa’t tao at tinataguyod ang ganap na paggalang sa karapatang pantao (Art II, Seksyon 11). Kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at ipagtatanggol at palalakasin ang pamilya bilang isang batayang institusyong panlipunan na may karapatang itaguyod ang sarili. Ipagsasanggalang din nito ang buhay ng ina at ang buhay ng di pa isinisilang mula nang ito ay ipaglihi (Art II, Seksyon 12).Ngunit salungat sa mga batas na ito ay ang RH bill.


Nagkaron na ng maraming debate ang simbahan at pamahalaan ukal sa nasasaad na isyu.


Sinasabi ng pamahalaan na nilalayon ng RH bill na mabigyang tulong ang mga mag-asawa upang maabot ang nais nilang laki ng pamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak upang matigil na ang maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon. Isa pang depense ng pamahalaan ay "Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng aboryon ito ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan at nais na bilang ng mga anak."


Hindi naman nagpahuli ang simbahan nang marinig ang depensa ng pamahalaan. Agad na tumutol ang Simbahang katoliko sa panukalang ito, dahil mapaniil umano ang RH bill na kontrolin ang populasyon sa iligal na paraan."Ito ay isang matinding paglapastangan sa mga tunay nating pinahahalagahan bilang mga tao at ng kulturang Pilipino tungkol sa buhay ng tao na ating itinangi sa mula’t mula pa."


Parehong pro at anti RH supporters ng bill ay may kanya-kanyang opinyon sa nasasaad na iasyu, kung bakit ito ikabubuti at ikasasama ng mga Pilipino . Tanong ay kung ano ang bahagi mo sa nasasaad na isyu?


-Ma. Aura Lee C. Chavez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento