Lunes, Oktubre 3, 2011

Jessica Lim

Araw - araw ng alas kwatro ng hapon sinusundo ni Roan sina Jose at Marie, ang kanyang mga anak mula sa eskwelahan. Nagaantay ang kanyang mga anak ng halos isang oras bago sila masundo ng kaninlang ina. Habang sila ay matiyangang nagaantay sa kanilang eskwelahan, tumawag ang kanilang ina na matatagalan pa siya kaya kung maaring magantay lamang sila sa loob ng paaralan. Si Roan na nasa opisina ay tinambakan ng kanyang amo ng maraming papeles na kaylangan niyang tapusin, ito ang naging resulta ng pagalis ng kanyang mga kasamahan dahil sila ay naghahanap ng mas mataas na sweldo para sila ay mas makaraos sa kanilang pangaraw-araw na buhay. Alas siete na ng gabi ng nasundo ang mga bata, kinailangan pa ni Roan magluto ng pagkain para makakain ang kanyang mga anak at tulungan ang mga itong gumawa ng kanilang mga takdang aralin.

Sumunod na araw, nangyari ulit ito ngunit mas lalo pang natagalan ang pagsundo ni Roan sa kanyang mga anak. Nagpatuloy ito ng dalawang linggo at isang araw, napansin ni Roan na pagkagising niya sa kanyang mga anak ay pagod na pagod parin sila at para silang mga bangkay na nabuhay muli. Naisip ni Rona ang kalagayan ng kanyang mga anak kapag ito ay nagpatuloy.

Pumasok sa opisina si Roan na may daladalang sobre na naglalaman ng kanyang pagbibitiw sulat sa trabaho. Nang ibigay niya ito sa kanyang amo, umiling lamang ito ng mahigpitn na hindi at sinabi nito na hindi siyang pwede umalis dahil magkakaroon ng masamang epekto ang kanyang pagalis sa kompanya. Sa mungakhing ito, nagalit si Roan at naguslat siya ng sualt para sa mga pangasiwaan tungkol sa kanyang mga tanong kung bakit hindi siya pwedeng umalis ng kompanya sa kanyang kagustuhan kagaya ng iba pang mga empleyadong matagal ng umalis. Umabot ang sulat at si Roan ay ipinatawag ng pangasiwaan para siya makausap tungkol dito, dalawang oras ang lumipas ng matapos ang kanilang pulong.

Lumabas si Roan na umiiyak at siya ay initriga ng kanyang mga kasama, ikiwento niya ang lahat ng nangyari at pinagkasunduan nila na sila ay magwewelga laban sa komapanyang kanilang pinagtratrabahuan. Umabot ang kanilang pagwelga sa korte at sinubukan ni Roan na ipagtranggol ang kanilang mga karapatan subalit ang kompanya parin ang nanalo. Nagalit ang samahan ng mga empleyado, binalak nila ang isang pangyayari na kanilang gagawin ng sabay-sabay sa parehas na oras.

Isang linggo ang lumipas.

Setyembre 27, 2011, araw ng martes nang sila ay sabay-sabay nilang iniwan ang kanilang mga kliyente at umalis sa gusali. Ito ang inisip nilang paraan para makabawi sa kompanya at baka magbago ang isip nila na hayaang umalis ang mga gustong umalis sa kompanya. Nagresulta ang kanilang ginawa sa permanenteng pagkakatanggal nila sa trabaho at agad na naghanap ng mga bagong empleyado ang kompanya para sa abala na sinapit ng kanilang mga kliyente.

Ang buhay ni Roan at ang kanyang mga anak ay nagbago mula ng umalis siya sa trabaho niya. Nahirap siyang makabangan sa nangyari sa kanya at sa mga epekto nito sa kanilang buhay ng kanyang mga anak. Naayos rin ang lahat ng kanilang problem at nagkaroon si Roan ng bagong trabaho na hindi niya kinakailangan na pagantayin ang kanyang anak at kung saan sila ay mas masayang nabubuhay kasama ang isa't isa.

Ang mga desisyon na ating tinatahak ang magreresulta sa ating hinaharap kaa dapat natin pagbutihin ang ating mga gawain, desisyon sa buhay para tayo ay magkaroon ng buhay na masaya at puno kahit hindi tayo mayaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento