Noong
Abril 29, 2011 ay ako’y lumipad sa London galing Pilipinas para masaksi ang
isang pangyayaring makasaysayan. Napakarami ang mga taong pumarito roon mas
lalong rumarami sa paglipas ng oras. Iba’t-ibang tao na galing sa iba’t ibang bahagi
ng mundo ay pumunta para makisaya sa isang selebrasyong magiging inspirasyon sa
lahat ng tao. Ako si Regina, isang Pilipinong abogado. Sinama ko ang aking
asawang Intsik-Pinoy na si Daniel at ang aming dalawang anak na si Thomas at
Aquamarine noong araw na iyon. Pero bakit nga ba kami pamunta? Noong ako’y bata
pa ay ginusto ko talaga maging isang prinsesa. Pero noong ako’y dumalaga na ay
naisip ko na imposible mangyari iyon sa isang babaeng ordinaryo lamang. Subalit
ngayon, ako’y napahanga dahil pwede pala ito mangyari. Ano nga ba ang
selebrasyong pinantahan naming dito? At bakit nga ba ito makasaysayan?
Pumunta
kami sa London para mapanuod ang kasal nina William, Prince of Wales at ang
kanyang pinakamamahal na Kate Middleton, isang babaeng ordinaryo lamang na
naging inspirasyong ng prinsipe sa kanyang buhay.
Nasa
labas kami ng Westminster Abbey noong
araw na iyon. Isang napakaganda’t napakalaking simbahan sa United Kingdom. Doon
magpapakasal ang aking dalawang idolo sa pagibig—Si Prince William at si Kate
Middleton. Nakatabi namin ang magasawang Amerikano na sina Jen at Marley.
Tatlong araw na kami naghihintay doon kaya madami narin kami nakilala. Yung
ibang tao ay galing pa sa Australia. Mga isang linggo na siguro sila
naghihintay para lang maganda ang kanilang tanaw sa gaganaping selebrasyon. Hindi
talaga ako makapaniwala sa dami ng tao na nakita ko. Mas madami pa ang mga
taong pumunta sa kasalang iyon kaysa sa kasal nila Prince Charles at Princess
Diana. Siguro milyon-milyon ang mga taong lumipad sa London galing sa iba’t
ibang bahagi ng mundo.
Lahat ay masaya’t nagagalak para sa kasalan.
Nakita ko sa mga mata ng tao na naiinggit sila’t natutuwa sa kasalang gaganapin.
Ako mismo ay nainggit sa babaeng pakakasalan ni Prince William. Maganda,
matalino, magaling manamit at sobrang elegante pa! Siya’y si Miss Catherine
“Kate” Elizabeth Middleton. Nagkakilala si Kate at Prince William noong sila’y
pumasok sa University of St. Andrew
noong taong 2001. Noong pasko naman ng taong 2003 ay pinagkaguluhan sila ng
media. Hindi talaga sila tinantanan. Noong Nobyembre 2010 naman ay ipinahayag
nila sa lahat na sila’y magpapakasal na. Nagalak talaga lahat ng kanilang mga
taga-suporta. Si Kate ay isang inspirasyon sa mga tao dahil ang buhay niya’y
isang pantasyang naging totoo. Yung maganda sa istorya ng pagibig ni Kate at
Prince William ay hindi nakabase sa katayuan ang kanilang relasyon. Mayaman man
o karaniwan, ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Sino ba
naman ay hindi magkakagusto kay Kate. Napakagaling niya manamit! Alam kasi niya
na lagi siya sinusundan ng mga photographers
kung kaya’t ayaw niya pahiyain ang sarili niya lalong-lalo na ang kanyang
pinakamamahal ng prinsipe. Minsan talaga ay hindi ko mapigilan sarili kong
mainggit kay Kate. Pangarap ng maraming babae na magpakasal sa isang
napakakisig na lalaki. Nakuha ni Kate ang kanyang hangarin sa buhay pero kahit
papano ay mapagkumbaba parin siya. Kaya siguro napaibig dito si Prince William.
Naghintay
pa kami ng anim na oras noong kami’y dumating sa London. Ika-11 kasi ng umaga
ang simula ng kasalan pero dahil sa pagkaiba ng oras sa Pilipinas at London ay
napaaga kami. Nainip talaga kami ng asawa ko kakahintay kay Kate at Prince
William. Pero hindi naman kami nagsisisi na naghintay kami roon ng napakatagal.
Dinala naman naming lahat n gamin kinailangan. An gaming mga anak ay nasayahan
din sa kanilang pinagdaanan at nakita. Lalo na silang sumaya noong nakita ang
kotseng sinasakyan ni Prince William at ang kanyang kapatid na si Prince Harry.
Lahat ng tao ay nagsigawan noon. Mahigpit talagaang seguridad noong araw ng
ksalan dahil sinigurado nila na walang gaganaping gulo at walang mangyayaring
magiging abala sa prusisyon na iyon. Paglabas ni Prince William sa kotse ay mas
lalo pang sumigaw at pumalakpak ang lahat ng tao. Naka pulang Scarlet Tunic siya na nagsisimbolo ng
pagbibigay pugay niya sa Armed Forces ng
London. Noong nakipagkamayan siya sa kanyang mga bisita at kumaway sa mga taong
umiidolo sakanya ay doon niya pinakita ang kanyang pagiging mapagkumbaba sa mga
tao. Sumunod naman dumating ang ama ni Prince William na si Prince Charles at
ang kanyang asawa na si Duchess Camilla. Ang pumanaw na ina ni Prince William
na si Princess Diana naman ay naging usapan din ng selebrasyon at kinumpara ang
kasalan ng kanyang ina sa kasalan ni Prince William.
Sunod
naman na dumating ang ina ni Kate Middleton na si Carole Elizabeth Middleton at
ang kanyang dalawang kapatid na si Pippa at James Middleton. Napakaelegante ng
dating nilang tatlo. Lalung-lalo na si Pippa na nakasuot ng Sarah Burton Inspired. Pagkatapos ng ilang minute naman ay dumating
na si Kate Middleton at ang kanyang ama na si Michael Middleton. Napakaganda ng
kanyang Sarah Burton for Alexander
McQueen wedding gown! Napanganga’t natulala ang maraming tao dahil sa
kanilang nakita. Simple lang ang kanyang suot. Simple na napakalakas ang
dating. Si Kate lang din ang nagayos ng kanyang mukha. Siya lang ang naglagay
ng kanyang kolorete sa sarili. Hindi niya ginawang napakakapal ang kanyang make up pero sinigurado niya na elegante
parin ang kanyang itsura. Kumaway muna siya sa mga tao at siyang pumasok na sa
loob ng simbahan.
Huling
dumating si Queen Elizabeth at ang kanyang asawang si Phillip. Nagpalakpakan
ang mga tao noong sila’y dumating na. Naka dilaw na suotin si Queen Elizabeth.
Simple lamang ang kanyang suotin subalit napakaelegante parin.
Naghintay
pa kami ng dalawang oras para matapos ang seremonya sa simbahan. At pagkatapos
noo’y dumiretso na si Kate at Prince William sa Buckingham Palace. Naka kalesa sila noong sila’y lumakbay papuntang
Buckingham Palace. Nagsigawan ang
lahat ng tao at sila’y kumaway-kaway sa mga umiidolo sakanila. Tumuloy kami ng
aking pamilya sa Buckingham Palace para masaksi ang kanilang unang pampublikong
halikan. Hindi ko talaga gugustuhing hindi Makita ang pangyayaring iyon. Pero
sa rami ng tao ay alam ko na magiging imposibleng umalis sa aming pwesto sa
labas ng Westminster Abbey kung
kaya’t pinanuod nalang naming sa aming maliit ng telebisyon ang gaganaping
selebrasyon sa balkona ng Buckingham
Palace. Noong si Prince William at si Kate Middleton ay nakapunta na sa
kanilang huling destinasyon ay sila’y ginawa nang Prince William, Duke of
Cambridge at Catherine, Duchess of Cambridge.
Noong
pinakita na nila Prince William ate Catherine, Duke and Duchess of Cambridge
ang kanilang sarili sa balkona ng Buckingham
Palace ay hindi tumigil sa kakasigaw at kakapalakpak ng mga tao. Sobrang
nagalak ang mga tao at sobrang masaya sila na nakasaksi sila sa selebrasyong
iyon. Ako naman ay masaya para sa dalawa. Wala talagang limitasyon ang
pagmamahal. Masaya naman ako na nakasama ko ang aking pamilya. May sarili naman
akong prinsipe, si Daniel. Siya ang aking inspirasyon sa buhay at siya rin ang
aking prinsipe. Itong pangyayaring makasaysayan ay nagpakita ng pagbabago…
Mahirap man or mayaman, ay pwede parin sila magmahalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento