Linggo, Oktubre 16, 2011

Basketbol ng bayan

   Freshmen palang si Andrea sa Ateneo De Manila University at handang-handa na siyang pumunta sa laban ng ADMU at DLSU. Nagmamadali na siyang bumaba dahil nagaantay na ang matalik niyang kaibigang, si Jacob, na nagaaral sa De La Salle University. May pagkahingal na ang kilos ni Andi (tawag kay Andrea) sa kanyang pagbaba—at sabay humirit pa si Jacob.
 "Grabe! Ang BLUE mo naman!" 
At biglang napairap lang si Andi sa tukso. "Bilisan na nga natin!” pautos na sabi ni Andi, "baka mawalan na tayo ng upuan! Gustong-gusto ko na makita si Kiefer Ravena!" At bigla nalang binulong ni Jacob sa kanyang sarili, "hay nako...lagi nalang si Ravena..."
"Ano sabi mo?" 
"Ah, wala... tinatanong ko lang sa sarili ko kung aling lugar tayo uupo."
"Yun lang ba? ha! Aba, eh di sa lugar ng Ateneo!" 
"Ayoko nga! Kitang-kita ako na naka berde... At lagi din naman kitang pinagbibigyan sa ibang laro e..."
"O sige na nga. Ngayon lang. Basta sa susunod na ADMU vs. DLSU sa lugar nanaman namin ah!"
"Oo. Siyempre, basta ikaw—ang best friend ko! O, tara na! Baka mahuli pa tayo."
At sabay na silang nagpunta na may mga malalaking ngiti nakapinta sa mga mukha nila.    
Tuloy-tuloy ang pagsigaw ng mga tao sa Araneta, Big Dome. Maririnig mo at mararamdaman mo ang init nang magkalaban na unibersidad. Nagtatayuan na ang mga Atenista at nagsisigawan na ng "One Big Fight! Go, Ateneo!" At ang mga La sallista naman, "Animo La salle!" Lahat nagkakatuwaan, at iba naman ay nagiinisan na. Lahat nang estudyante ng dalawang unibersidad ay nagdadagsahan talaga para maranasan at masuportahan ang paligsahang ito. At ang dalawang magkaibigan ay laging nagsasama para lang dito. Dahil sa layo ng kanilang mga unibersidad, dito lang sila nakakapagsama muli. Lahat ng saya at magandang alaala ay bunga rito. At dahil sa paligsahan na ito, mas lumalakas pa ang samahan ng dalawang magkaibigan na si Jacob at Andrea. 

    
      Halos lahat naman ng tao sa Pilipinas ay alam na magkaribal ang eskwelahang Ateneo at La salle. At kapag ikaw ay nagaaral sa mga eskwelahang ito, sigurado, taas noo ka lagi para ipakita sa karibal mong eskwelahan kung sino ang "boss". Kaya hindi rin kagulat-gulat kung bakit naging pinakamalaking paligsahan sa UAAP Men's basketball league ang ADMU vs. DLSU. Kung ikukumpara mo pa nga sa PBA natin, mas maraming nanonood sa larong ito. Halos lahat ay nagpupuntahan para maramdaman ang init ng labanan nang magkaribal na unibersidad. At lahat din ng nagaaral sa dalawang unibersidad na iyon ay KAILANGAN makapunta! Kung hindi, kalahati raw ng buhay nila ang mawawala. Kasama na rin dito ang lahat ng emosyon na pwede mo maranasan! Ang saya, galit, inis, pagmahal, pagtawa, lungkot, "kanchawan" at marami pang iba. Mararamdaman mo talaga ang pagbuhos ng kasiyahan sa loob ng tiyan mo. Mararamdaman mo talaga sa puso mo ang tibok ng "school spirit!" Dahil dito, malaking parte na ito sa kasaysayan ng Pilipinas! Kaya ngayon naman, italakay na natin kung paano nga ba nagsimula ang labanan na ito sa lugar ng basketbol.
Ang dalawang eskwelahan na ito ay unang naglalaban sa National Collegiate Athletic Association ng Pilipinas o NCAA. Sila ang tagapagtatag nito, ngunit lumipat na para maglaban sa UAAP noong 1986. Maraming nagsasabi mas bayolente raw and labana nuon sa NCAA, subalit hindi pa matindi ang pagtatalo ng dalawang eskwelahan. Dahil ang kalaban ng Ateneo ay San Beda, habang ang La Salle naman ay ang Colegio de San Juan Letran, noong 1970. Nagsimula lang ang matinding init sa dalawang eskwelahan  nang lumipat sila sa UAAP. And La Salle ay nagkaroon na ng apat na sunod-sunod na panalo nuon. At ang Ateneo naman ay nagkaroon din ng apat na sunod-sunod na panalo nung 2008 hanggang sa taon na ito, 2011.
Iba na talaga ang narating at nagawa ng mga unibersidad na ito. Ang Ateneo at La Salle ay laging may pinakamaraming nagaabang na estudyante at alumni sa larong basketbol. May mga tagahanga sa mga maglalaro, at may mga artista rin, pulitiko, diplomats at marami pang ibang nagdadagsahan. Laging ubos ang mga tikets—kaya mas binibilisan ng mga tao ang pagbili! 
Tunay nga na parte ito sa ating kasaysayan! Ito ay nagdadagdag ng kulay at buhay sa bansa natin! Hanggang ngayon, ito pa rin ang napaguusapan ng mga kabataan, at pati na rin ang mga nakakatanda.
May nakakatuwang ironya ang nabibigay nito. Kahit na magkaribal man ang dalawang unibersidad, nagkakaisa pa rin ang mga tao sa maraming paraan. Ito ay tunay na nagbibigay ng magandang alaala sa nakakarami—ito ang basketbol ng bayan.

Gawa ni: Dayanara Marie C. Lim
IV-8 Filipino







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento