Linggo, Oktubre 16, 2011

Basketbol ng bayan

   Freshmen palang si Andrea sa Ateneo De Manila University at handang-handa na siyang pumunta sa laban ng ADMU at DLSU. Nagmamadali na siyang bumaba dahil nagaantay na ang matalik niyang kaibigang, si Jacob, na nagaaral sa De La Salle University. May pagkahingal na ang kilos ni Andi (tawag kay Andrea) sa kanyang pagbaba—at sabay humirit pa si Jacob.
 "Grabe! Ang BLUE mo naman!" 
At biglang napairap lang si Andi sa tukso. "Bilisan na nga natin!” pautos na sabi ni Andi, "baka mawalan na tayo ng upuan! Gustong-gusto ko na makita si Kiefer Ravena!" At bigla nalang binulong ni Jacob sa kanyang sarili, "hay nako...lagi nalang si Ravena..."
"Ano sabi mo?" 
"Ah, wala... tinatanong ko lang sa sarili ko kung aling lugar tayo uupo."
"Yun lang ba? ha! Aba, eh di sa lugar ng Ateneo!" 
"Ayoko nga! Kitang-kita ako na naka berde... At lagi din naman kitang pinagbibigyan sa ibang laro e..."
"O sige na nga. Ngayon lang. Basta sa susunod na ADMU vs. DLSU sa lugar nanaman namin ah!"
"Oo. Siyempre, basta ikaw—ang best friend ko! O, tara na! Baka mahuli pa tayo."
At sabay na silang nagpunta na may mga malalaking ngiti nakapinta sa mga mukha nila.    
Tuloy-tuloy ang pagsigaw ng mga tao sa Araneta, Big Dome. Maririnig mo at mararamdaman mo ang init nang magkalaban na unibersidad. Nagtatayuan na ang mga Atenista at nagsisigawan na ng "One Big Fight! Go, Ateneo!" At ang mga La sallista naman, "Animo La salle!" Lahat nagkakatuwaan, at iba naman ay nagiinisan na. Lahat nang estudyante ng dalawang unibersidad ay nagdadagsahan talaga para maranasan at masuportahan ang paligsahang ito. At ang dalawang magkaibigan ay laging nagsasama para lang dito. Dahil sa layo ng kanilang mga unibersidad, dito lang sila nakakapagsama muli. Lahat ng saya at magandang alaala ay bunga rito. At dahil sa paligsahan na ito, mas lumalakas pa ang samahan ng dalawang magkaibigan na si Jacob at Andrea. 

    
      Halos lahat naman ng tao sa Pilipinas ay alam na magkaribal ang eskwelahang Ateneo at La salle. At kapag ikaw ay nagaaral sa mga eskwelahang ito, sigurado, taas noo ka lagi para ipakita sa karibal mong eskwelahan kung sino ang "boss". Kaya hindi rin kagulat-gulat kung bakit naging pinakamalaking paligsahan sa UAAP Men's basketball league ang ADMU vs. DLSU. Kung ikukumpara mo pa nga sa PBA natin, mas maraming nanonood sa larong ito. Halos lahat ay nagpupuntahan para maramdaman ang init ng labanan nang magkaribal na unibersidad. At lahat din ng nagaaral sa dalawang unibersidad na iyon ay KAILANGAN makapunta! Kung hindi, kalahati raw ng buhay nila ang mawawala. Kasama na rin dito ang lahat ng emosyon na pwede mo maranasan! Ang saya, galit, inis, pagmahal, pagtawa, lungkot, "kanchawan" at marami pang iba. Mararamdaman mo talaga ang pagbuhos ng kasiyahan sa loob ng tiyan mo. Mararamdaman mo talaga sa puso mo ang tibok ng "school spirit!" Dahil dito, malaking parte na ito sa kasaysayan ng Pilipinas! Kaya ngayon naman, italakay na natin kung paano nga ba nagsimula ang labanan na ito sa lugar ng basketbol.
Ang dalawang eskwelahan na ito ay unang naglalaban sa National Collegiate Athletic Association ng Pilipinas o NCAA. Sila ang tagapagtatag nito, ngunit lumipat na para maglaban sa UAAP noong 1986. Maraming nagsasabi mas bayolente raw and labana nuon sa NCAA, subalit hindi pa matindi ang pagtatalo ng dalawang eskwelahan. Dahil ang kalaban ng Ateneo ay San Beda, habang ang La Salle naman ay ang Colegio de San Juan Letran, noong 1970. Nagsimula lang ang matinding init sa dalawang eskwelahan  nang lumipat sila sa UAAP. And La Salle ay nagkaroon na ng apat na sunod-sunod na panalo nuon. At ang Ateneo naman ay nagkaroon din ng apat na sunod-sunod na panalo nung 2008 hanggang sa taon na ito, 2011.
Iba na talaga ang narating at nagawa ng mga unibersidad na ito. Ang Ateneo at La Salle ay laging may pinakamaraming nagaabang na estudyante at alumni sa larong basketbol. May mga tagahanga sa mga maglalaro, at may mga artista rin, pulitiko, diplomats at marami pang ibang nagdadagsahan. Laging ubos ang mga tikets—kaya mas binibilisan ng mga tao ang pagbili! 
Tunay nga na parte ito sa ating kasaysayan! Ito ay nagdadagdag ng kulay at buhay sa bansa natin! Hanggang ngayon, ito pa rin ang napaguusapan ng mga kabataan, at pati na rin ang mga nakakatanda.
May nakakatuwang ironya ang nabibigay nito. Kahit na magkaribal man ang dalawang unibersidad, nagkakaisa pa rin ang mga tao sa maraming paraan. Ito ay tunay na nagbibigay ng magandang alaala sa nakakarami—ito ang basketbol ng bayan.

Gawa ni: Dayanara Marie C. Lim
IV-8 Filipino







Sabado, Oktubre 15, 2011

Maskara


Kaunting Impormasyon

            “3oW pfH0uWzxS! UztAh na U?” Naintindihan mo ba? Hi raw. Kinakamusta ka niya. Ewan ko ba kung sino nakaisip nito, basta bigla na lang nauso sa kabataan at nagsulputan sa bawat sulok ng Pilipinas ang mga Jejemon, o ‘di kaya’y ang mga Jeje, ‘yung mga taong ganyan magsulat. Pwede rin nga pala magamit ang jeje bilang pang-uri o pang-abay. At dahil medyo kakaiba ang pag-iisip ng nagpasimuno nito, naisip niyang gawing tunog-sosyal ang ngalan ng wika: Jejenese. Para bang Chinese, Japanese at Vietnamese. O ‘di ba, ‘di mo malaman kung salitang Ingles o Pilipino! ‘Di lang sosyal, out of this world!
            Sabi nila Ingles daw ang pinakamayan na wika pero ‘wag ka, ‘di yata magpapatalo ang mga Jejemon! Sa Jejenese hindi lang letra ang ginagamit, pati numero at simbolo! Wala naman talagang tumpak na pamantayan kung paano isulat ang mga salita, basta siguraduhin mo lang pinagsasama-sama mo ang mga letra, numero, at simbolo at gumagamit ka ng uppercase at lowercase. At para mas mukhang jeje, lagyan ng labis-labis na letra at iba pa.
            Kapag babasahin, parang kung paano talaga basahin. ‘Wag lang malito at tandaang maraming mga letrang ‘di babanggitin, kung baga ‘yung mga silent letters, o sa kasong ito, pati numero at simbolo. Naks, parang imported lang a! Gaya na lang ng ‘di pagbanggit sa letrang h sa hola, ‘di rin babanggitin ang f, h, u, w, z, x, at s sa pHouWZxS. Tignan mo nga naman, talo pa pala natin mga dayuhan! Siguro sobrang lawak lang ng imahinasyon ng may pakana nito at naisipang ipagsama lahat ng silent letters ng mga Amerikano, Italiyano, Espanyol, Pranses, Ruso at Aleman.
            Ang mga Jejemon ay kilala sa kanilang Jejecap, cap na may mga patayong guhit na kulay bahaghari sa bahaging likod. Mayroon ding iba’t ibang klase ng Jejemon tulad na lang ng Bekimon, baklang Jejemon, at Pokemon, Digimon, Kumon, at mamon. Pero kung magaling ka, maiisip mong inuuto lang kita at ang unang klase lang ang totoo.
            Ayan, nakagawa na ng sariling pangalan ang kabataan ngayon! Pero, ngunit, bagkus, subalit, datapuwa’t tila sadyang pabagu-bago ang isipan nila. Nahati ang kabataan at nabuo ang mga Jejebuster, mga tutol sa Jejemon. Pinapalabas nila na baduy ang maging Jeje. Sila, hindi. Sinasabi rin nila na galing sa demon o monster ang pantig na -mon ng Jejemon.


Ito na ‘yung kwento talaga, peksman!

            Tuloy-tuloy ang pagsenyas ng dalawang kamay at paghipan sa sipol ng pulis habang sinisikap nitong mapabilis ang daloy ng trapiko sa ilalim ng mainit na araw – ganito ang ginagawa araw-araw ni Jeno. ‘Pag nagpapahinga mula sa trabaho, hilig niya manood ng telebisyon at mag­­-text tungkol dito sa mga kaibigan, suot ang paborito at malaking jersey shirt, komportableng baggy pants at walang kupas na jejecap.
            Isang araw sa trabaho, napatingala siya para tignang mas mabuti ang inakalang eroplano, isang malaking ibong mataas ang lipad at kumikinang ang makukulay na balahibong mala-Ibong Adarna. Pagkalipad sa kanya, saktong dumumi ang ibon at tumulo ito sa mata niya. Pinunasan na lang niya mata niya dahil sa galit na busina ng mga sasakyan at muling nagtrabaho.
            Nagulat siya at nanlaki ang mga mata nang bigla na lang lumutang sa ere habang mapusok na sumesenyas, animo naging pakpak ang mga braso. Tinigil niya ang ‘paglipad’ at biglang bumagsak sa bangketa, ilang metro ang layo. Ang galing, ang taas ng kinahulugan niya pero ‘di siya nagkaroon ng galos! Dito nagbunga ang isang ideya kay Jeno habang nakatihaya at tinititigan ng ilang tao, nakanganga…
            Isang carnapper ang matiyagang sinusubok buksan ang Chevloret sa isang kantong madilim. Tagumpay siya. Dali-daling lumabas ang nagtatagong bantay at papasok na sa kotse… nang biglang nagkaroon ng mabigat na kamay sa balikat niya. “At saan sa tingin mo ikaw pupunta?”
             ‘Yan si Mang Jenong, ang bagong superhero ng Pilipinas! Batay sa diyaryo, naka­­-tights siya na itim, may malaking bahagharing J sa harap, nakasuot ng bahagharing brief sa labas ng pantalon, at nakamaskara tulad ng Jabbawockeez. Ang sidekick niya namang si Jestar ay nakasuot ng jejecap at ang harap ng damit ay may j, na tinuldukan ng puso, katabi ng bituin. Mas bata kay Mang Jenong si Jestar, tunay na pangalan, Juhlia este, Julio. Paano ba naman, isang bekimon na gusto maging starlet kahit mabilog, kaya ganoon na lang ang ngalan bilang superhero at ang pagkalito ko bilang tagapagsalaysay. A, ‘nga pala, ang letrang j sa Jenong ay binabasa bilang h. Ito ang kinaiinisan madalas ni Mang Jenong kapag mabalita siya at mali ang pangalan niya. Hay, mga Jeje nga naman o.
            Tinutugis nila ang mga tagagawa ng krimen gamit ang kapangyarihang Junami, Zundag Lundag, Jejejeje Pindot, at ang pinakamalakas na pwersa ni Mang Jenong, ang Jemonic Wave. At pagkatapos ng bakbakan, titigil sila para sa Jejepose, peace sign na pahalang at ang mata ay nasa gitna ng dalawang daliri. Walastik!
            Onti-onti nang nauubos ang mga maliliit na kriminal, nagsisimula na silang maghanap ng mga pinuno nito. Dito nagagambala si Don, pinuno ng isang grupo ng sindikato, isang Jejebuster at… singap! opisyal ng gobyerno. Gumawa siya ng eskandalo tungkol kay Mang Jenong, isa rito ang lumabas sa YouTube na bigla na lang niya sinaktan at binugbog ang ilang kolehiyong nakapila para sa dyip.
            Biglang natakot ang mga tao sa ating superhero dahil sa paparami ng paparaming eskandalo. Nagkaroon ng malawakang rally sa pagkulong kay Mang Jenong! Sinunod niya ang kagustuhan ng tao kasi alam niyang kaya niyang lumabas-pasok sa kulungan nang hindi nakikita para patuloy tumugis ng masasamang tao. Nagawa niya ito subalit isang araw, nakita na lamang bagsak ang mukha niya sa tasong puno ng sabaw. Food poisoning daw sabi sa pananaliksik, “Baka may bulok na nakain.”
            Dumagsa ang tao sa puntod ni Mang Jenong. Para sa iba, wala nang pag-asa; para sa iba naman, wala nang krimen at ngayon pa lang ang pag-asa. Katabi ni Juhlia ang humihikbing batang napaisip ng malakas, “Sino na ang tapagtanggol natin?” Napangiti si Juhlia, “Ikaw, ako, tayong lahat.”

Audrey Buenaventura
IV-8

Linggo, Oktubre 9, 2011

UAAP Season 74


Dayanara Famatigan
IV-8       
            Ilang oras nalang, magsisimula na ang laban. Paano na ito, hindi pa ako naliligo at malakas pa ang ulan, sinabayan pa ata ng bagyong Pedring. Sinasabihan na akong huwag tumuloy, ngunit hindi ito maari dahil huling laro na ito. Dali- dali akong umalis suot-suot ang asul na baro upang bigyan suporta ang aking pangarap na unibersidad.
        
  Tatlong beses nang nagantimpalaan ang Ateneo De Manila University ng unang ranko sa UAAP basketball ng sunod-sunod, simula 2008-2010. Sapagkat bihira lamang ito mangyari sa kasaysayan ng kumpetisyong ito.  At ngayon naman, inaasam nilang panalunin ang season na ito, upang mabigyan rin ng titulong “4-peat champions
           
 Sa katunayan, maganda ang naging laro ng mga blue eagles sa panahong ito. Halos napatambak nila lahat ng mga kalaban nila, liban sa isa, ang Adamson University. Pero kahit na ito’y nangyari, pinagsikapan pa rin nilang manalo. Kasama nila na pasok sa big 4 ay ang FEU tamaraws , ADAMSON blue falcons, at UST growling tigers.

           Nagsimula nung Sityembre 6, 2011 ang unang laro para sa big 4. Ang Ateneo blue ay may lamang na twice to beat. Pagkatapos ng ilang laro, ang FEU tamaraws ang napagdesisyonang makakalaban nila sa finals.

            Para sa unang laro, ang FEU Tamaraws ay nagkaroon ng magandang simula at kumita ng higit 5 puntos kaysa sa Ateneo Blue Eagles sa dulo ng unang kaapat, 19-14; ngunit ang Blue Eagles ay matulin na lumipad, dinaig ang mga Tamaraws at natapos ang unang kalahati ng laro na may parehong puntos, 33-33. Hindi na muling makabawi ang FEU tamaraws noong ikatlo at ikaapat na bahagi at natapos ang laro na may 18 puntos na lamang ang blue eagles sa kanila; Nanalo ang ADMU, 75-55.

            Ang pangalawang laro ay nakatakda sa Sityembre 27, 2011, ngunit hindi ito natuloy dahil sa masamang lagay ng panahon. Kaya naman inilipat ang petsa sa Oktubre 1. Ito na ang magiging huling laban ng UAAP Season 74 kung ipapanalo ito ng blue eagles, sila na ang kampeon—4peat champions; kapag hindi at natalo sila ng tamaraws, may isa pang laban para sa championship. Maraming nagsasabi na makukuha ng Ateneo blue eagles ang titulong 4-peat champions. Ngunit sa dahilang pagkansela sa laro ng 4 na araw, naisip rin ng karamihan na ginamit nila itong pagkakataon upang ipagbutihin ang insayo.

            Ito na, buti nalang at hindi kami nahuli, napakalakas kasi ng ulan at traffic pa. Punong-puno ang Araneta Coliseum, halos lahat ay naka-asul, ¼ lamang ang nakadilaw. Papasok na ang mga manlalaro, ilang minuto nalang magsisimula na ang laban.

            Nagpakita ng galanteng tayo sa laro ang FEU tamaraws laban sa ADMU blue eagles. Noong unang kaapat, nalamangan ng limang puntos ng blue eagles ang tamaraws , pero dali-dali silang bumawi pagdating ng ikalawang bahagi, 35-36. Ngunit nahirapan na silang mapanatili ang lapit ng puntos. Kaya naman, natapos ang laro na may 84-69 na puntos, pabor sa blue eagles.

            Nanalo ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa ikalawang laro ng 2011 UAAP 
Season 74 Men’s basketball finals laban sa Far Eastern University Tamaraw, 82-69, upang  makumpleto ang apat na sunod-sunod na UAAP titulo na bihira lamang mangyari sa kasaysayan ng basketbol. Ito rin ang unang beses na manalo ang isang unibersidad na naghost ng kumpetisyong ito.

            Sa wakas, tapos na rin ang laro. Masaya ako dahil nanalo ang gusto kong kolehiyo, ngunit malungkot para sa FEU dahil natambakan sila. Nalungkot rin ako dahil huling laro na iyon nila Monfort at Long sapagkat magtatapos na sila, pero kahit na ba, masaya pa rin ako dahil nagtagumpay sila. Kitang-kita na nagkaroon sila ng teamwork. Pinaghirapan talaga nilang manalo at ginawa nila ang makakaya nila.


            Sa katunayan, magandang pakiramdam ang makasaksi ng pagkakataong bihira lamang mangyari.  At dito, napatunayan ng Ateneo blue eagles na hindi imposibleng mangarap; hindi sila nabigo makamit ang minimithing- 4-peat champions. Malay natin na sa susunod na taon, ang 5-peat naman ang maabot nila

Sabado, Oktubre 8, 2011

Alex Gaon - "William at Kate"



Noong Abril 29, 2011 ay ako’y lumipad sa London galing Pilipinas para masaksi ang isang pangyayaring makasaysayan. Napakarami ang mga taong pumarito roon mas lalong rumarami sa paglipas ng oras. Iba’t-ibang tao na galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay pumunta para makisaya sa isang selebrasyong magiging inspirasyon sa lahat ng tao. Ako si Regina, isang Pilipinong abogado. Sinama ko ang aking asawang Intsik-Pinoy na si Daniel at ang aming dalawang anak na si Thomas at Aquamarine noong araw na iyon. Pero bakit nga ba kami pamunta? Noong ako’y bata pa ay ginusto ko talaga maging isang prinsesa. Pero noong ako’y dumalaga na ay naisip ko na imposible mangyari iyon sa isang babaeng ordinaryo lamang. Subalit ngayon, ako’y napahanga dahil pwede pala ito mangyari. Ano nga ba ang selebrasyong pinantahan naming dito? At bakit nga ba ito makasaysayan?
Pumunta kami sa London para mapanuod ang kasal nina William, Prince of Wales at ang kanyang pinakamamahal na Kate Middleton, isang babaeng ordinaryo lamang na naging inspirasyong ng prinsipe sa kanyang buhay. 
Nasa labas kami ng Westminster Abbey noong araw na iyon. Isang napakaganda’t napakalaking simbahan sa United Kingdom. Doon magpapakasal ang aking dalawang idolo sa pagibig—Si Prince William at si Kate Middleton. Nakatabi namin ang magasawang Amerikano na sina Jen at Marley. Tatlong araw na kami naghihintay doon kaya madami narin kami nakilala. Yung ibang tao ay galing pa sa Australia. Mga isang linggo na siguro sila naghihintay para lang maganda ang kanilang tanaw sa gaganaping selebrasyon. Hindi talaga ako makapaniwala sa dami ng tao na nakita ko. Mas madami pa ang mga taong pumunta sa kasalang iyon kaysa sa kasal nila Prince Charles at Princess Diana. Siguro milyon-milyon ang mga taong lumipad sa London galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
 Lahat ay masaya’t nagagalak para sa kasalan. Nakita ko sa mga mata ng tao na naiinggit sila’t natutuwa sa kasalang gaganapin. Ako mismo ay nainggit sa babaeng pakakasalan ni Prince William. Maganda, matalino, magaling manamit at sobrang elegante pa! Siya’y si Miss Catherine “Kate” Elizabeth Middleton. Nagkakilala si Kate at Prince William noong sila’y pumasok sa University of St. Andrew noong taong 2001. Noong pasko naman ng taong 2003 ay pinagkaguluhan sila ng media. Hindi talaga sila tinantanan. Noong Nobyembre 2010 naman ay ipinahayag nila sa lahat na sila’y magpapakasal na. Nagalak talaga lahat ng kanilang mga taga-suporta. Si Kate ay isang inspirasyon sa mga tao dahil ang buhay niya’y isang pantasyang naging totoo. Yung maganda sa istorya ng pagibig ni Kate at Prince William ay hindi nakabase sa katayuan ang kanilang relasyon. Mayaman man o karaniwan, ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Sino ba naman ay hindi magkakagusto kay Kate. Napakagaling niya manamit! Alam kasi niya na lagi siya sinusundan ng mga photographers kung kaya’t ayaw niya pahiyain ang sarili niya lalong-lalo na ang kanyang pinakamamahal ng prinsipe. Minsan talaga ay hindi ko mapigilan sarili kong mainggit kay Kate. Pangarap ng maraming babae na magpakasal sa isang napakakisig na lalaki. Nakuha ni Kate ang kanyang hangarin sa buhay pero kahit papano ay mapagkumbaba parin siya. Kaya siguro napaibig dito si Prince William.
Naghintay pa kami ng anim na oras noong kami’y dumating sa London. Ika-11 kasi ng umaga ang simula ng kasalan pero dahil sa pagkaiba ng oras sa Pilipinas at London ay napaaga kami. Nainip talaga kami ng asawa ko kakahintay kay Kate at Prince William. Pero hindi naman kami nagsisisi na naghintay kami roon ng napakatagal. Dinala naman naming lahat n gamin kinailangan. An gaming mga anak ay nasayahan din sa kanilang pinagdaanan at nakita. Lalo na silang sumaya noong nakita ang kotseng sinasakyan ni Prince William at ang kanyang kapatid na si Prince Harry. Lahat ng tao ay nagsigawan noon. Mahigpit talagaang seguridad noong araw ng ksalan dahil sinigurado nila na walang gaganaping gulo at walang mangyayaring magiging abala sa prusisyon na iyon. Paglabas ni Prince William sa kotse ay mas lalo pang sumigaw at pumalakpak ang lahat ng tao. Naka pulang Scarlet Tunic siya na nagsisimbolo ng pagbibigay pugay niya sa Armed Forces ng London. Noong nakipagkamayan siya sa kanyang mga bisita at kumaway sa mga taong umiidolo sakanya ay doon niya pinakita ang kanyang pagiging mapagkumbaba sa mga tao. Sumunod naman dumating ang ama ni Prince William na si Prince Charles at ang kanyang asawa na si Duchess Camilla. Ang pumanaw na ina ni Prince William na si Princess Diana naman ay naging usapan din ng selebrasyon at kinumpara ang kasalan ng kanyang ina sa kasalan ni Prince William.
Sunod naman na dumating ang ina ni Kate Middleton na si Carole Elizabeth Middleton at ang kanyang dalawang kapatid na si Pippa at James Middleton. Napakaelegante ng dating nilang tatlo. Lalung-lalo na si Pippa na nakasuot ng Sarah Burton Inspired.  Pagkatapos ng ilang minute naman ay dumating na si Kate Middleton at ang kanyang ama na si Michael Middleton. Napakaganda ng kanyang Sarah Burton for Alexander McQueen wedding gown! Napanganga’t natulala ang maraming tao dahil sa kanilang nakita. Simple lang ang kanyang suot. Simple na napakalakas ang dating. Si Kate lang din ang nagayos ng kanyang mukha. Siya lang ang naglagay ng kanyang kolorete sa sarili. Hindi niya ginawang napakakapal ang kanyang make up pero sinigurado niya na elegante parin ang kanyang itsura. Kumaway muna siya sa mga tao at siyang pumasok na sa loob ng simbahan.
Huling dumating si Queen Elizabeth at ang kanyang asawang si Phillip. Nagpalakpakan ang mga tao noong sila’y dumating na. Naka dilaw na suotin si Queen Elizabeth. Simple lamang ang kanyang suotin subalit napakaelegante parin.
Naghintay pa kami ng dalawang oras para matapos ang seremonya sa simbahan. At pagkatapos noo’y dumiretso na si Kate at Prince William sa Buckingham Palace. Naka kalesa sila noong sila’y lumakbay papuntang Buckingham Palace. Nagsigawan ang lahat ng tao at sila’y kumaway-kaway sa mga umiidolo sakanila. Tumuloy kami ng aking pamilya sa Buckingham Palace para masaksi ang kanilang unang pampublikong halikan. Hindi ko talaga gugustuhing hindi Makita ang pangyayaring iyon. Pero sa rami ng tao ay alam ko na magiging imposibleng umalis sa aming pwesto sa labas ng Westminster Abbey kung kaya’t pinanuod nalang naming sa aming maliit ng telebisyon ang gaganaping selebrasyon sa balkona ng Buckingham Palace. Noong si Prince William at si Kate Middleton ay nakapunta na sa kanilang huling destinasyon ay sila’y ginawa nang Prince William, Duke of Cambridge at Catherine, Duchess of Cambridge.
Noong pinakita na nila Prince William ate Catherine, Duke and Duchess of Cambridge ang kanilang sarili sa balkona ng Buckingham Palace ay hindi tumigil sa kakasigaw at kakapalakpak ng mga tao. Sobrang nagalak ang mga tao at sobrang masaya sila na nakasaksi sila sa selebrasyong iyon. Ako naman ay masaya para sa dalawa. Wala talagang limitasyon ang pagmamahal. Masaya naman ako na nakasama ko ang aking pamilya. May sarili naman akong prinsipe, si Daniel. Siya ang aking inspirasyon sa buhay at siya rin ang aking prinsipe. Itong pangyayaring makasaysayan ay nagpakita ng pagbabago… Mahirap man or mayaman, ay pwede parin sila magmahalan.

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Naomi

"Ehem, eeehem." tugon ni Aling Belen na ilang linggo nang naqgdurusa sa ubo. "Bele, mag patingin ka na kaya sa center mukang lumalala na yang kondisyon mo ah." bati ng kanyang kaibigan na si Timora. Matagal ng magkasama ang dalawa. Simula pagkabata, sila na ang magakatunggali. Sabay silang nakipagsapalaran sa Maynila upang mag hanagad ng mamagandang buhay. Dumayo sila dito galing





"Inspirasyon" ni Katrina Morato

Patungo si Lara at ang kanyang kapatid na si Audrey sa Araneta Coliseum upang manood ng UAAP Cheering Competition Season 74. "Audrey, sabik na sabik na ako makadating doon. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito at gusto ko na makita ang mga hinandang piyesa ng bawat kalahok sa kompetisyon na ito" hindi mapakali si Lara sa loob ng kanilang kotse. "Ako din! Sana manalo ulit ang UP Pep Squad" wika ni Audrey.

Nang makadating sila sa kanilang destinasyon, nakita nila ang mahabang pila ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang kagustuhan na manood. Pagkababa nila sa kanilang sasakyan, dali-dali silang pumila sapagkat nag papapasok na ang mga gwardya ng mga manonood.

Makalipas ang ilang minuto, nagsimula na ang kompetisyon. Nagkaroon ng mga parada ng mga napiling kinatawan ng bawat unibersidad at dali-dali itong sinimulan ng unang kalahok na sumalang, ang Adamson Pep Squad. Sinundan ito ng Ateneo Blue Babble Battalion, NU Pep Squad, DLSU Animo Squad, UP Pep Squad, FEU Cheering Squad, UST Salinggawi Dance Troupe, at ang pinaka huli, ang UE Pep Squad.

Sa lahat ng mga kasali sa kompetistyon ang UP Pep Squad ang pinakaumangat at nakakuha ng atensyon nina Lara at Audrey. "Talagang kakaiba ang piyesa ng UP Pep. Nagpakulay pa silang lahat ng buhok upang mas lalong maintindihan ng mga manonood ang kanilang tema na tumutukoy sa sikat na mangaawit na si Madonna" sabi ni Lara. " Sumasang-ayon ako! walang dudang sila ang mananalo sapagkat nakakabighani ang kanilang presentasyon" sagot ni Audrey.

Matapos ipakita ng bawat kalahok ang kanilang piyesa, sumunod naman ang "Group Stunts Exhibition" Namili ang bawat grupo nang limang miyembro upang ipakita ang kanilang pinakamagaling na "flyer" at mga "base". Sa kompetisyon na ito, nag pagalinggan ang bawat grupo sa pagbubuhat at pag papakita ng kanilang angking galing.

"Nako, hindi biro itong laban na ito. Magaling lahat ng grupo at siguradong mahihirapan ang mga hurado mamili ng kamyon para sa Cheering Competition at sa Group Stunts Competition" sabik na sabik na sinabi ni Lara."

Hindi rin nagtagal at dumating din ang panahong kanilang hinihintay, ang paganunsyo ng mga nanalo. Unang binigyang parangal ang nanalo ng "Samsung Stunner Award" na si Nesza Salvador na nagmula sa UP Pep Squad. Pagkatapos, binigyang parangal ang mga nanalo para sa kategorya na group stunts exhibition. Nagkamit ng unang gantimpala ang UP Pep Squad na sinundan ng FEU Cheering Squad at ang nanalo ng ikatlong gantimpala ay ang NU Pep Squad.

"At ngayon, malalaman na ng buong Pilipinas ang magtatagumpay sa UAAP 2011 Cheering Competition Season 74." Unang binangit ang nanalo ng ikatlong gantimpala, ang FEU Pep Squad na nagkamit ng Php 140,000. Nanalo naman ng ikalawang gantimpala ang DLSU Animo Squad na nagkamit ng Php 200,000 at ang pinaka hinihintay na pagkakataon, ang pagaanunsyon ng kamyon.

Mararamdaman mo ang kaba ng bawat kalahok at ng mga pamilya o kaibigan nila na sumosoporta sa kanila sa buong Araneta. Halo-halong emosyon ang makikita mo sa kanilang mga mukha. May mga kinakabahan, masaya, malungkot, umaasa, at marami pang iba ngunit hahantong din ang mga hurado sa isang desisyon.

At ang nanalo ay... "UP Pep Squad". kitang-kita mo sa kanilang mukha ang labis na pagkasaya at tagumpay. Sila ay nagkamit ng Php 340,000 ngunit alam kong mas higit pa sa halaga ng pera ang kanilang napalanunan sapagkat naipakita nila sa buong Pilipinas ang kanilang galing.

"Sabi ko sayo eh!" sabi ni Lara kay Audrey. "alam ko! haha hindi din naman ako umangal sa sinabi mo eh. tara, uwi na tayo at pagod na ako" Masayang umalis si Lara at Audrey sa Araneta.

 Kinaumagahan, pagkagising ni Lara upang kumain ng almusal, nagulat siya nang makita niya ang dyaryo na binabasa ng kanyang itay. "UP Pep Squad, nagkamit ng unang gantimpala sa UAAP Cheering Competition Season 74". "Tay, pwedeng pabasa naman niyan?" tanong ni Lara. "Sige, pero bilisan mo na ang iyong pagkain at baka mahuli ka na naman sa klase mo"

tutok na tutok si Lara sa pagbasa ng dyaryo kaya hindi na niya pinakinggan ang sinabi ng kanyang itay sa kanya."Ang galing talaga nila!" manghang-mangha si Lara sa husay at galing ng mga miyembro ng Up Pep Squad. "Balang araw, magiging bahagi din ako ng UP Pep Squad"

Bata pa lamang si Lara, pangarap na niya maging mahusay na mananayaw o cheerdancer tulad ng kanyang ina. May mga pagkakataon na nawawalan siya nang pagasa at tiwala sa kanyang sarili ngunit pagkatapos ng isang araw, nagbago ang pananaw niya sa kanyang pagkamit ng kanyang pangarap. "hindi ako susuko at gagawin ko lahat ng aking makakaya upang maabot ko ang aking pangarap dahil alam kong tutulungan ako ng Panginoon at ito ang magpapasaya sa akin" paulit-ulit na sinasabi ni Lara sa kanyang sarili. 

Habang may malalim na iniisip si Lara, biglang sumigaw ang kanyang itay."Lara, bilisan mo na, mahuhuli ka na". Nagmamadaling umalis si Lara pasakay ng kanilang kotse patungo sa kanyang eskwelahan.

Lunes, Oktubre 3, 2011

Facebuko


Sa kapanahunan ngayon, marami nang Pilipino ang nahihilig sa paggamit ng social networking sites. Mayaman man o mahirap, itanong niyo kung merong facebook account, siguradong sagot niyan ay "oo". Tumblr, Twitter, Multiply, at Formspring ang iilan sa mga social networking sites na usong-uso sa Pilipinas ngayon. 
Sa isang artikulo ng balita ng ABS-CBN ang mga Pilipino raw na gumagamit ng Internet ay mas okupado sa paggamit ng mga nasabing social networking sites. Ayon daw sa comScore,  a leading online audience measurement service, ang Pilipinas daw ang may pinakamalaking persyento ng paggamit ng mga ito na sumasakop ng 90% sa rehiyon ng Asya-Pasipiko noong Pebrero 2010. Sabi naman sa Manila Bulletin, iniulat ng TNS noong June 2011 na umabot na sa 11 milyon Pilipino ang gumagamit ng Internet araw-araw.At ang pananaliksik naman ng InternetWorldStats, sa kasulukuyan, ay pang-anim na sa buong Asya sa paggamit ng Internet ang Pilipinas na mayroong 29, 700, 000 gumamit na umaako ng 29.7% at patuloy pang umaakyat ang numero.

"Social networkers in the Philippines also showed the highest level of engagement on social networking sites averaging 5.5 hours per visitor in February, with visitors frequenting the social networking category an average of 26 times during the month," the comScore statement said citing its latest report on social networking activity in the region.